Deep Thoughts

Think for a moment….

Walang Bibitaw

42956443_238701840327573_1703968961189642240_n.jpg

Tuwing gabi ay nakalulumbay,
‘di mahanap ang kaligayahan.
Sa aking dibdib ay sobrang sikip,
hindi mawala ang nasa isip.

Luha’y patuloy na pumapatak,
ako ay may mapurol na utak.
Ito ay matinik na pagsubok,
na kailangan ko ng itapos.

Balang araw ay matatapos rin ito
kaya ako’y magtitiis at lalaban
dahil ngayon, naghahanap pa rin ako
ng aking magiging kaligayahan.

Pangarap

42930704_267620210758708_8607384919569596416_n

Oo, wala ng mas sasakit
Sa sakit na aking sinapit
Nais ko lang naman sumaya
Pero bakit di ipaubaya?

Pangarap sana ay mabuo
Mabuo na kasama kayo
Masama ba itong hilingin?
Bubulong nalang ba sa hangin?

Ito lang naman ang munting pangarap ko
Balang araw ito ay makukuha ko
Nasa bawat bituwin ay aking maabot
At bawat panahon ay di malilimot

Mayroon akong munting pangarap
Na sana maabot ko ang ulap
Madama na ang tamis at sarap
Dahil ito lang naman ang hanap

?

Lagi nalang bang ganto?
Wala na bang bago?
Puso ko’y nawawasak
Luha’y nagsimulang pumatak

Hindi pa ba sapat?
Hindi pa ba nakuntento?
Pwede bang ako’y inyong intindihin?
Na hanggang dito lang ako.

Leave a comment